Maligayang Pasko at manigong bagong taon sa ating lahat!
#MakingWrestlingFun
http://www.mwfinsiderblog.com
LYRICS
“Sarili Mong Landas”
music and lyrics by William Elvin
Malayo-layo na rin ang ating narating
Walang lilingunin pabalik
Tuloy-tuloy lang at wala nang aatras
Anumang maging wakas bukas
Wag na tayong maniwala
Wag na tayong makinig
Sa lahat ng nagsasabing wala tayong mararating
Ano ba’ng alam nila?
Tayo ang magdidikta
Tayo ang magsasabi
Tayo ang magpapasya
Walang makakapigil
Sa taas o baba, sa kaliwa o sa kanan
Ang buong mundo’y atin at wala nang hangganan
Kaya mong lumikha ng sarili mong landas!