MWF Aksyonovela TV Episode 3 – Robin Sane vs. Mr. Lucha

 

Kamusta, mga #KapaFED? Samahan pong muli ang inyong ka-GGS na host na si PAC RG sa Episode 3 ng nag-iisang wrestling ng masang Pinoy, ang MWF Aksyonovela TV!

In this episode, panoorin ang kwento ng pagkakaibigan ng dalawa sa mga haligi ng MWF na sina former MWF champion Robin Sane at ang “Pride of Sagada” na si Mr. Lucha! Balikan din ang mga unang tagpo ng kanilang pagkakaibigan kasama si Ninja Ryujin.

Sundan every Wednesday ang mga kwento ng #ManilaVerse sa #WrestlingNgMasangPinoy, MWF #AksyonovelaTV!

DISCLAIMER: Manila Wrestling Federation is an equal-opportunity performance company. MWF is a fictional, satirical and sensationalized representation of combat sports and social conflict.

MWF Aksyonovela TV Episode 2 – “Classical” Bryan Leo vs. “Danger” Rex Lawin and Youngblxxd vs. The Man Bros for the AWGC Tag Team Titles

Kamusta, mga #KapaFED? Narito na po ang 2nd episode ng WRESTLING NG MASANG PINOY – MWF Aksyonovela TV!

In this episode hosted by PAC RG, panoorin natin ang first-round match ng MWF Kampeon ng Masa Title Tournament between one of MWF’s pioneers “Danger” Rex Lawin and multi-time Philippine wrestling champion “Classical” Bryan Leo.

PLUS! Saksihan din natin ang laban nina Frankie Thurteen at Morgan Vaughn (Youngblxxd MNL) at The Man Bros para sa AWGC Tag Team Championships! Sundan every Wednesday ang mga kwento ng #ManilaVerse sa #WrestlingNgMasangPinoy, MWF #AksyonovelaTV!

MWF Aksyonovela TV Episode 1 – MWF Title Matches: Khayl Sison vs. Ho Ho Lun and Robin Sane vs. Fabio Makisig

Kamusta, mga #KapaFED? Narito ang unang episode ng MWF Aksyonovela TV – ang WRESTLING NG MASANG PINOY!

In this episode, MWF Senior Analyst Tarek El Tayech discusses the one-year history of the MWF Championship, mula sa mga pigil-hiningang laban ni Robin Sane hanggang sa ma-aksyong title defense ni current MWF Champion Ho Ho Lun (from Hong Kong, China S.A.R.) laban kay Khayl Sison.

PLUS! Saksihan din ang kauna-unahang MWF Title Match sa pagitan nina “tracer, trailblazer, speed-chaser, the daredevil himself” Robin Sane at ang “walang kasing lupit, walang kasing astig” na si Fabio Makisig sa MWF Noche Buena 2018!
Sundan every Wednesday ang mga kwento ng #ManilaVerse sa #WrestlingNgMasangPinoy, MWF #AksyonovelaTV!